Hanggang dito nalang ako

I composed this piece when my bestfriend and his ex-girlfriend finally got back together. I wasted 3 nights trying to come up with a way to let my voice out. I doubt my bestfriend would read this. But if a miracle happens, hi. This one’s for the two of you. I’m very honored to be your friend. I wish you all the best.

Di ko masagot ang mga tanong na “Umaasa ka pa ba?” “Mahal mo ba?” “Mahirap ba talagang makalimutan siya?” dahil sa isang katotohanan. Sa isang katotohanan na kailanman ay hinding hindi magbabago. Ang katotohanan na yun ay hanggang dito lang ako– magbibigay ng daan sa malawak na kalawakan na para sainyong dalawa lamang.
Sa dinami dami ng mga naging kaibigan, ka-ibigan, at barkada, bakit hindi ko nagawang makita? Bakit hindi ko nagawang pigilan ang aking damdamin? Hanggang dito lang ako, sabi ko sa sarili ko. Hanggang dito lang ako, susuporta sa ikakasaya mo. Bestfriend nga diba? Bes, okay lang yan magbabati din kayo. Bes, gagawin ko lahat mabigay lang ang deserving para sa iyo. Bes, pasasayahin kita kapag nagaaway kayo. Bes, paparealize ko sayo na walang nawawala sa taong naniniwala. Bes, nagmamahal ka at normal lang na maramdaman mo yan. Bes, mahal mo siya kaya ipaglaban mo. Bes, andito lang ako lagi para sainyo. Pero bes, ako ang nasasaktan kapag may nangyayaring masama sainyo. Bes, ako ang naiiwan mo ng magisa dahil nasakanya lahat ng oras mo. Bes, ako ang umiintindi pagnagkakaselosan kayo. Bes, ako ang nagpaparaya. Ako ang sumasalo. Ako ang nahihirapan. Ako ang sawi. Ako ang nawawalan ng bestfriend.
Noong nakita ko kung paano mo siya tinitigan mata sa mata, alam ko na. Talo ako. Nawalan nako ng bestfriend dati pero bakit nagulat parin ako sa nangyari. Hindi ko kinaya. Tanging ngiti lang ang naialay ko sa kabila ng gumuguho kong mundo. Bakit? Bakit ang sakit? Bakit parang nagiba ang tibok ng puso ko? Bakit nahihirapan ako ngayon?
Sumasakit, nagdurugo, naghahanap ng rason sa nararamdaman kong lason na unti unting pumapatay sa sistema ko. Hindi ko alam paano makalaya sa kulungang ito. Hanggang kelan? Hanggang saan? Alam ko naman. Tatanggapin ko nalang ulit. Tatanggapin ko lahat. Dahil iyon ang itinadhana sakin. Hanggang dito nalang ako kasi hanggang dito mo nalang ako mapapasaya at masasalo. Dahil alam ko iba na ang aalagaan at patatahanin mo. Dahil alam ko sa sarili ko na pagtungtong ng susunod na minuto, siya na lamang ang iyong mundo. Kaya salamat. Salamat sa lahat. Salamat sa mga araw na binigyan mo ng kulay ang aking buhay. At patawad. Patawad dahil hindi ko na kayang magpatuloy pa. Patawad dahil hindi ko na kayang maglakad patungo sa kawalan at sa kadiliman. Patawad dahil hindi ko kakayanin ang sakit. Oo. Tanggap ko lahat ngunit hindi ko tanggap na hindi kita kayang pakawalan kahit na kayo ay masayang naghahabulan at ako ay nadadapa sa tinatahak nating daan. Patawad. Magpapahinga nalang ako sa tabi. Hihintayin kitang bumalik. Sa kahit anong paraan. Kung hindi man, maghihintay nalang ako nang mga dadaan at tutulong sakin sa kabila ng kinikimkim na sakit at pagod. Ipagpatuloy niyo ang inyong paglalakbay ng magkasama at puno ng pagmamahalan. Iwan niyo nako. Gumawa kayo ng alaala nang wala ako. Malaya na kayo. Dahil hanggang dito nalang ako. Hanggang dito nalang ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s