Isinantabi

Sabi nga nila, masakit mahulog sa taong di ka naman kayang mahalin.
Ilang buwan lang kami magkakilala pero bakit ang sakit?
Sabi nga naman nila, wala naman sa taon ng pinagsamahan yan, buwan buwan, minuminuto, segusegundo, kaya kang mahalin kahit nasaan ka man.
Pero bakit? Bakit ang sakit?
Naghahanap ako ng mga salita na makakagawa ng isang tula tungkol sa pagibig natin na biglang nawala. Akala ko lang pala.
Akala ko lang nawala pero hindi. Hindi pala ito pagibig. Tinuturing mo lang pala ako gaya ng pagturing mo sa iyong kapatid. Masakit.
Akala ko ikaw na. Akala ko hindi na matatapos pa. Akala ko tayo na hanggang sa dulo ng walang humuhusga. Akala ko may forever na. Wala pala.
Sinundan kita, nagalala, nagpakatanga, hinintay kita. Hanggang sa maisip mo na nandito lang ako sa tabi mo sinusuportahan ka.
Sa unang araw na tayong magkasama, umasa ako. Binigyan ko ng kahulugan lahat ng galaw mo. Binigyan ko ng motibo ang pakikipagusap sayo. Binigyan ko ng dangal ang sarili ko kaya sabi ko “Ito na. Siya na. Wala nang makakapalit sakanya.” Ikaw ang naging mundo. Ikaw ang dahilan kung bakit buo ang aking pagkatao. Ikaw ang sumanib sa katawang lupa ko. Putangina pati sa isip ko walang tigil ka sa pagtakbo. Ikaw. Ikaw. Ikaw na walang preno sa pagpapatibok ng puso ko.
Ngunit dumating ang araw na nagkaharap kayo.
At eto ako naliligo sa mga mapagpanggap na luha na akala mo ay masaya para sainyo pero ang totoo nasasaktan dahil sa nakikita nito.
Nagkabalikan kayo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s